Isang Single Mom Ang Natagpuang Patay Sa Saksak At Chop Chop Victim Ng Kanyang Mga Kaibigan!

DALAGANG-INA PATAY MATAPOS PAGTATAGAIN NG MARAMING BESES AT GINAHASA #IbalikAng #DeathPenalty

KIDAPAWAN CITY – Tadtad ng taga at halos hindi na makilala ang mukha ng isang 21-anyos na dalagang-ina matapos ginahasa at pinagtataga sa sarili nitong pamamahay sa Prk 7 Barangay Lanao, Kidapawan City hating gabe ng Biyernes, nagtamo ang biktima ng 20 saksak at pinutulan pa ng daliri.

Kinilala ng Kidapawan City PNP ang biktimang si Angelica Fernandez, nakatira sa nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon, natagapuan na lamang na wala ang buhay, naliligo sa sariling dugo, puno ng taga ang mukha matapos ginahasa ang dalaga ng di ka kilalang mga salarin.

Ayon naman kay Supt. Ramel Hojilla ang hepe ng Kidpawan City PNP na may dalawang person of interest na silang natukoy na posibleng may kinalaman sa karumaldumal na krimen sa lungsod.

Hustisya naman ngayon ang panawagan ni Atty. Christopher Cabilin ang Legal Counsel ng Kidapawan City LGU at sisiguruhin ng lokal na pamahalaan na mananagot ang mga salarin.

Ipinag-utos narin ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista sa PNP ang mabilisang pagresolba sa di-makataong pagpatay at panggagahasa sa biktima.

-BNFM-Kidapawan City

Please follow and like us: